Monday, June 16, 2014

Miss ko na!

Miss ko na ang fishball sa plaza na pag sinamahan ng usok ng tricycle at laway ni manong tinderong dada ng dada, eh swabe sa sarap.


https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjTttJ7MaLmkkd6QDEdFi1HTZYuwsdsTIJeDCrmPx5FHWO_lfscqzpjYBOxTaI0S9JZY9KaVfr1ISC7izkQMfLCXgOJMEmtx9tqa6Q6lfKubkus8Ro3sVNdhcLTQrWj96ixVk7eGyH8WFA/s1600/bolls.jpg


Miss ko na ang mga iyakan blues ko with my friends... Mga awkward moments with boardmates at mga tampuhan with seatmates ( na usually nasosolve pag kailangang magkopyahan sa test.)





Miss ko na ang makipag-away sa ate ko pag suot nya yung bagong bili kong damit; sa mama ko kapag iniinterogate nya ako kung saan ako galing; sa papa ko kapag nakukulitan ako sa kanya; at sa kuya ko na nagsisilbing punching bag " every certain time of the month."




Miss ko na mga pinsan kong lasenggo, basagulero pero maginoo.

Miss ko na ang Pilipinas... At excited na akong makauwi ulit at mas madalas!


-- ecy casiano

No comments:

Post a Comment