Miss ko na ang mga iyakan blues ko with my friends... Mga awkward moments with boardmates at mga tampuhan with seatmates ( na usually nasosolve pag kailangang magkopyahan sa test.)
Miss ko na ang makipag-away sa ate ko pag suot nya yung bagong bili kong damit; sa mama ko kapag iniinterogate nya ako kung saan ako galing; sa papa ko kapag nakukulitan ako sa kanya; at sa kuya ko na nagsisilbing punching bag " every certain time of the month."
Miss ko na mga pinsan kong lasenggo, basagulero pero maginoo.
Miss ko na ang Pilipinas... At excited na akong makauwi ulit at mas madalas!
-- ecy casiano